^

Bansa

‘Never say die’

- Malou Escudero, Lilia Tolentino -
"Tuloy ang Charter change!"

Ito ang siniguro kahapon ni House Speaker Jose de Venecia kasabay ng pahayag na posibleng humirit muli ng ikalawang petisyon sa Korte Suprema ang Sigaw ng Bayan, Ulap at iba pang organisasyon kahit dalawang beses nang ibinasura ng Korte ang People’s Initiative.

Sinabi ni de Venecia na ang pagsasampang muli ng petisyon ng Sigaw ay bunsod ng ipinalabas na opinyon ng SC na ang Republic Act 6735 o ang Initiative Referendum Act ay may sapat na basehan para magpatupad ng People’s Initiative.

Ayon kay de Venecia, hindi pa tapos ang laban dahil maaari nilang buuin ang natitirang pag-asa, ang Constituent Assembly o Con-Ass kung saan itsapuwera ang Senado.

Kahapon ay kinumpirma ni de Venecia na isang malaking caucus ng mga majority party ang isinagawa para pag-usapan ang isyu ng Chacha bago pa man mag-recess.

"This whole process will be completed a few days before Dec. 22, the last day of our session this year, we’ll transmit result to Comelec so that they can immediately set a plebiscite," sinabi pa ni de Venecia.

Ipinagmamalaki pa ni JDV na lagpas na sa kinakailangang 195 lagda o 3/4 na bilang ng kabuang rooster ng lehislatura ang hawak nila para mapagalaw ang Con-Ass dahil hawak na ng liderato ng Kamara ang 202 lagda.

Bagaman nirerespeto ng House Speaker ang desisyon ng Korte sa PI, hiniling nito sa mga mahistrado na unawain ang kahalagahan kung bakit kailangan nang mabago ang halos 20 taong Saligang Batas ng Pilipinas.

"Just because of eight justices, the dream of millions of Filipinos to pursue constitutional change was finished, sana di na mag-resort sa impeachment but we can’t stop the people to file any impeachment case against the Supreme Court justices," paglilinaw pa ng Speaker.

CON-ASS

CONSTITUENT ASSEMBLY

HOUSE SPEAKER

HOUSE SPEAKER JOSE

INITIATIVE REFERENDUM ACT

KORTE

KORTE SUPREMA

REPUBLIC ACT

SALIGANG BATAS

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with