Ipinakilala naman sina Norie Gomez, head ng Olongapo Business Permit Office; Architect Tony-kar Balde, head ng City Planning and Development Office; at Evelyn delos Santos, head ng Public Employment and Service Office (PESO) na maaring lapitan ng mga Koreano sakaling magsimula ang kanilang negosyo.
Sa mga interesadong Koreano na mag-aral ng English ay ipinakilala rin ni Mayor Gordon, ang presidente ng Gordon College na si Arlinda Pame. Ipinahayag din ni Mayor Gordon na lalo pa niyang pasisiglahin ang negosyo at turismo bilang bahagi ng 10-point agenda na mabigyan ng mas maraming job opportunities ang mga residente at magkaroon ng mataas na revenue collection na inilalaan sa mga proyektong pangkabuhayan, pangkalusugan at social services para sa lahat.