^

Bansa

Demolition sa Quiapo kinondena

-
"Atienza sumira sa kanyang pangako."

Ito ang isinisigaw kahapon ng may 50 pamilya na naninirahan sa ilalim ng Quezon Bridge sa Quiapo matapos umano silang illegal na i-demolish bandang alas-10 ng umaga.

Ayon kay Cesar Tan, leader mula sa Social Services sa Quiapo Church, kinokondena nila ang ginawang demolition dahil sa nauna na silang nagmakaawa kay Manila Mayor Lito Atienza na hindi muna sila gagalawin hanggang matapos ang Kapaskuhan at mayroon na silang malilipatan.

Bukod dito, ang nasabing demolisyon din umano ay isinagawa kahit na wala pa ang 30-araw na notice na requirement ng Urban Development and Housing Act (UDHA).

Idinagdag din ni Atty. Christine Anne Marie Aleazar ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na nag-isyu na sila ng isang certification na may petsang Nobyembre 9, 2006 na nagsasaad na ang Local Government ng Manila ay hindi pa nag-a-apply para sa certificate of compliance para sa Oktubre 22, 2006 demolition ng may 52 pamilya sa Oscaris St. malapit sa Quinta market at para sa demolisyon kahapon. Hindi umano tinupad ni Atienza at mga tauhan nito ang pangako na ihihinto muna ang demolisyon sa loob ng tatlong linggo. (Gemma Amargo-Garcia)

ATIENZA

CESAR TAN

CHRISTINE ANNE MARIE ALEAZAR

GEMMA AMARGO-GARCIA

LOCAL GOVERNMENT

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

OSCARIS ST.

PRESIDENTIAL COMMISSION

QUEZON BRIDGE

QUIAPO CHURCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with