BJMP pinagpapaliwanag ng Sandiganbayan
November 23, 2006 | 12:00am
Pinagpapaliwanag ng Sandiganbayan ang dalawang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil sa paglilipat kay Charlie "Atong" Ang sa Metro Manila District Jail mula sa Quezon City Jail.
Inutusan ng korte sina Supt. Ignacio Panti, QC Jail warden at Sr. Supt. Serafin Barreto, acting director ng BJMP-NCR, na dumalo sa pagdinig sa November 27 para ipaliwanag ang paglilipat ng kulungan kay Ang.
Magugunita na nagpalabas ng commitment order ang korte noong November 15 para ikulong si Ang sa QC Jail subalit inilipat ito sa MMDJ noong Nov. 16 dahil may banta daw sa co-accused ni Pangulong Erap sa plunder case na walang pahintulot ng korte.
Sinabi ni Special Prosecutor Dennis Villa-Ignacio na wala pa namang napapatunayang banta sa buhay ni Ang para ilipat ito ng kulungan. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest