Sinampal na empleyado kinampihan ng amo
November 23, 2006 | 12:00am
Kinampihan ng Shangri-La Finest Chinese Cuisine ang kanilang empleyadong si Virginia Altamirano na sinampal ni Lanao del Sur Rep. Faysah Dumarpa dahil sa pag-aakalang napakain ng baboy.
Sinabi ng Shangri-La assistant to the president na si Ma. Theresa Moreno sa sulat nito kay House Secretary-General Roberto Nazareno na pansamantala nilang ihihinto ang kanilang serbisyo bilang concessionaire ng Kamara bilang proteksyon sa kanilang empleyado.
Hindi din pinagbigyan ng Shangri-La ang kahilingan ng kongresista na sibakin si Altamirano bagkus ay kinampihan nila ito dahil sa ginawang pananakit ng mambabatas.
Nakahanda naman daw ang kongresista sa pakikipag-usap sa empleyado ng Shangri-La matapos akalaing napakain siya ng baboy sa isinilbing pansit pero itinanggi nito na kanyang sinaktan ang empleyado.
Sinuportahan naman ng Muslim community ang mambabatas dahil sa maling pagsisilbi ng pagkain dito na may halong baboy. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest