OFW huli sa shabu sa NAIA
November 23, 2006 | 12:00am
Isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos tangkang ipuslit nito ang may 2 kilo ng shabu patungong Malaysia.
Ang inaresto ay nakilalang si Norlito Limpin, tubong Zamboanga City at patungo sana ng Malaysia.
Ayon kay Jose Aguado, Civil Aviation Security Service chief, bandang ala-1:30 ng hapon ng makuha nila ang shabu sa initial na security checkpoint kay Limpin sa departure area.
Nabuko ang dalang shabu ng suspect na nagkakahalaga ng P2 milyon ng dumaan sa x-ray machine ang Gucci travelling bag nito kung saan ay nakasilid ang droga. Sinabi ni Limpin na ipinadala lamang sa kanya ang naturang droga. Dinala ang suspect sa PDEA headquarters. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended