Hiniling ni Kampil president Retired Commodore Ismael Aparri sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) na imbestigahan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng sibuyas.
Nadiskubre ng Kampil na pangunahing dahilan sa pagtaas ng presyo ng sibuyas sa pamilihan ay dahil umano sa naglipanang tiwaling importer at traders nito bukod sa bentahan ng import permit na nagkakahalaga ng P20,000 hanggang P40,000.
Aniya, dahil dito ay tumaas ang halaga ng sibuyas mula sa P80 hanggang P120 kada kilo at posibleng lumobo pa ito sa darating na Kapaskuhan.
Dahil dito, hiniling ng Kampil sa DTI, DA at Kongreso na imbestigahan ang katiwaliang ito sa importasyon ng sibuyas. (Lordeth Bonilla)