PGMA take-over muna sa DND

Plano ni Pangulong Arroyo na manungkulan muna bilang Defense chief sa loob ng dalawang buwan dahil hindi naman niya minamadali ang paghirang ng kapalit ng nagbitiw na DND Sec. Avelino "Nonong" Cruz Jr.

Inihayag ito ni PGMA sa panayam ng media sa Singapore bago ito bumalik ng bansa. Magkakabisa ang resignation ni Cruz sa katapusan ng buwang ito.

Hindi din binanggit ni PGMA kung magmumula sa pribadong sektor tulad ni Cruz o sa hanay ng mga retiradong heneral ang susunod niyang hihiranging pinuno ng Department of National Defense (DND).

Sinabi ni Mrs. Arroyo, malaki ang kanyang respeto kay Cruz at sa pagtanggap niya sa pagbibitiw nito sa puwesto ay nagpahayag siya ng panghihinayang sa pag-alis nito sa Gabinete.

Winika pa ng Pangulong matatag ang kanyang determinasyon na maipagpapatuloy ng papalit kay Cruz ang pagpapatupad ng reporma sa AFP. (Lilia Tolentino)

Show comments