Sinabi ni Sen. Pimentel, dapat tingnan muna ng Senado at Kamara ang kahilingan ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KAAKBAY), isang consumer group, na imbestigahan ang proseso ng bidding dahil na rin sa alingasngas na nagkaroon ng "lutuan" sa nabanggit ng bidding.
Nangangamba din si Pimentel na magiging sunud-sunod na ang pagtaas ng singil sa tubig tulad ng ginawa ng Maynilad nang mabili nila ito sa MWSS kung saan makalipas ang 8 taon ay walang-humpay ang pagtaas sa singil nito.
Nanawagan ang KAAKBAY na muling isalang sa re-bidding ang 84 porsiyento ng equity ng Maynilad dahil na rin sa mga kwestyonableng katauhan ng mga bidders.
Kabilang sa mga binigyan ng accreditation ng MWSS sa bidding ay ang DM Consunji at Metro Pacific Group, Manila Waters Co., Nonday Asset Management Asia of Singapore at Karunakan Ramchand ng India. (Rudy Andal)