Court Martial!
November 21, 2006 | 12:00am
Inaprubahan kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr. na isalang sa General Court Martial sa pagkakasangkot sa nabigong kudeta noong Pebrero 24 sina Maj. Gen. Renato Miranda, dating First Scout Ranger Regiment Commander B/Gen. Danilo Lim at 28 iba pa.
Sinabi ni Gen. Esperon sa ginanap nitong briefing sa Camp Aguinaldo na inaprubahan na niya ang pagsasampa ng kaso sa GCM kina Miranda at Lim gayundin sa 28 iba pa na kinabibilangan ni Col. Ariel Querubin na namuno sa stand-off sa Philippine Marines Headquarters noong Pebrero 24.
Ayon kay Esperon, mag-iinhibit siya sa paglilitis ng kaso upang hindi maimpluwensiyahan ang kahihinatnan ng kaso.
Iniutos din ni Esperon ang pagpapalaya sa walong opisyal dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya upang isangkot ang mga ito sa nabigong kudeta at pagbabalik sa mga ito sa kanilang puwesto.
Kabilang sa mga iniutos na palayain at pabalikin sa serbisyo ay sina Lt. Col. Reynaldo Oscan, Lt. Col. Martin Villasan ng Philippine Marines, Maj. Oriel Pancog, Capt. George Malones, 1st Lt. Antonio Timbal, 1st Lt. Jerald Reyes, 1st Lt. Mario Bautista at 1st Lt. Michael Cuarteros na pawang miyembro ng Scout Ranger.
Sinabi pa ni Esperon, puwede ng simulan ang paglilitis ng kaso dahil na rin sa hawak nilang tape na naghahayag ng withdrawal of support si Gen. Lim kay Pangulong Arroyo na dapat ay isasakatuparan noong Pebrero 24 sa rally sa EDSA kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng People Power 1.
Sina Lim at Col. Querubin ang itinuturo namang utak sa nabigong kudeta para agawin ang kapangyarihan mula sa Arroyo administration.
Samantala, iginiit naman ni Gen. Miranda sa pagharap nito sa Department of Justice na hindi na dapat idamay ang kanyang mga tauhan sa naganap na stand-off sa Marine HQ.
Inaako ni Miranda ang lahat ng responsibilidad sa pangyayari kasabay ang paggiit na wala ding kinalaman dito si dating Sen. Gringo Honasan. (Joy Cantos at may ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended