Ayon kay Atty. Daniel Gutierrez, abogado ni Honasan, korte pa rin ang dapat magdesisyon kung saang kulungan dapat ikulong si Honasan.
Sa darating na Martes pa diringgin ang mosyon ng CIDG, subalit agad na itong inilabas ng Asian Hospital at ibiniyahe sa Fort Sto. Domingo nitong Biyernes.
Samantala, pinayuhan ni House Speaker Jose de Venecia si Honasan na makiisa sa pagsusulong ng katahimikan sa bansa.
Ayon kay de Venecia, makabubuting hikayatin ni Honasan ang kaniyang mga tagasunod na magbalik-loob sa gobyerno.
Naniniwala si de Venecia na matatapos na ang mga balita hinggil sa pagpapatalsik sa administrasyong Arroyo at kudeta kung makikiisa si Honasan at ang kaniyang mga followers na makiisa sa peace making process. (Angie dela Cruz/Malou Escudero)