Desisyon ng CA sa Vizconde masaker bitin pa rin
November 18, 2006 | 12:00am
Patuloy na mabibinbin pa ang pagpapalabas ng hatol ng Court of Appeals sa kontrobersiyal na kasong Vizconde massacre, itoy matapos aprubahan ng Korte Suprema ang kahilingan ni CA Associate Justice Rodrigo Cosico, chairman ng CA 10th Division na mapalawig pa ang panahon upang maresolba ang motion for reconsideration na inihain ng mga akusado kabilang na si Hubert Webb. Sa en banc resolution, binigyan ng Korte Suprema ang CA 10th Division ng 180 days o hanggang April 12, 2007 upang maresolba ang mga nakabinbing MRs. Bagaman matagal na panahon na ring naka-pending sa CA ang Vizconde massacre case, nais ni Justice Cosico na mabusisi nang maigi ang mga dokumentong nakahain sa kanila.
Una nang iginiit ni Webb na hindi maaaring pagbatayan sa parusang iginawad sa kanya ang testimonyang inilahad ng state witness na si Jessica Alfaro. Aniya, si Alfaro ay isang turuang testigo dahil hindi naman nito nakita ang kanyang presensiya sa lugar ng insidente sa Vinzons St., BF Homes Subd., Parañaque. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended