Sina Jefferson N. Calimlim, 62, at asawang si Elnora, 61, kapwa doktor, ay inasunto matapos nilang kanlungin si Irma Martinez na isang illegal immigrant. Kinasuhan din sila ng conspiracy, forced labor at attempted forced labor.
Tatlong taong pagkabilanggo naman ang ipinataw sa anak nilang si Jefferson M. Calimlim, 31, at multang $5,000.
Ayon sa prosecutors, sinamantala ng mga Calimlim ang pagiging TNT (tago nang tago) ni Martinez para kumbinsihin itong magtrabaho sa kanila bilang katulong. Itinago ng mag-asawa si Martinez sa kanilang bahay at pinagtatrabaho ng 15 oras araw-araw, kapalit ang mababang sahod. Tinakot nila si Matinez na ipapa-deport kung magrereklamo kaya walang nagawa ang biktima kundi sumunod.
Subalit nabuking ang mag-asawa matapos magsumbong sa mga awtoridad ang isang Sherry Bantug, dating asawa ng batang Calimlim, na naawa kay Martinez.
Bukod sa kulong, inutusan din ang mga Claimlim na bayaran ang biktima ng $704,635 back wages.