Panganiban, Carpio pinapa-inhibit sa Peoples Initiative
November 17, 2006 | 12:00am
Hiniling kahapon ng dalawang prominenteng abogado ang pag-inhibit nina Chief Justice Artemio Panganiban at Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa usapin at pagboto sa isyu ng Peoples Initiative para sa pag-amyenda ng Saligang Batas.
Sa isinampang mosyon nina Atty. Eliseo Ocampo at Ferdinand Topacio ng Sulongbayan Movement Foundation, tinukoy ng dalawa ang Rule 3.12 ng Code of Judicial Conduct na nagsasabing "Ang isang huwes ay hindi dapat lumahok sa anumang proseso na kung saan ang kanyang pagkatig ay malalagay sa pagdududa."
Pinunto nina Ocampo at Topacio ang maraming insidente na nagpakita ng pagiging "bias" sina Panganiban at Carpio laban sa Peoples Initiative na inihain ng Sigaw ng Bayan sa pangunguna ng tagapagsalita nitong si Raul Lambino at Bohol Gov. Erico Aumentado.
Idinagdag pa na ang ginawang pagkalap ni Panganiban ng mga kopya ng majority decision at hiwalay na opinyon sa nasabing kaso ay para masigurong siya pa rin ang nakaupong Chief Justice ng Mataas na Tribunal kung magkakaroon ng motion for reconsideration.
Sa kabilang dako, sinasabi namang nagpakita ng "bias" si Carpio nang magpahayag ito ng mga konklusyon tungkol sa PI na wala man lang sapat na batayan para tanggihan ang inisyatibo.
May posibilidad umano na nagkaroon ng sabwatan sa mga miyembro ng maimpluwensiyal na Villaraza, Angcangco and Associates Law Office, na tinaguriang "The Firm" para matalo ang petisyon ng PI. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest