3 kulungan pinagpipilian na: Gringo itatakas!
November 17, 2006 | 12:00am
Malaki umano ang posibilidad na itakas si dating Sen. Gringo Honasan ng kanyang mga kasamahang coup plotters kaya minamadali na ang kulungang paglalagyan nito.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Director Jesus Versoza na nananatili ang banta sa seguridad hanggat hindi nahuhuli ang mga kasabwat ni Honasan sa bigong Oakwood mutiny noong Hulyo 27, 2003.
Sina ret. Navy Capt. Felix Turingan at ret. Col. Marcelino "Jake" Malajacan ang itinuro ni Oakwood mutineer Army 1st Lt. Lawrence San Juan na sangkot sa bigong destabilisasyon laban sa gobyerno noong Pebrero 24, 2006.
Dahil dito, tatlong kulungan ang pinagpipilian para kay Honasan, ang Camp Vicente Lim sa Canlubang, Laguna; Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna; at PNP Special Action Force sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Tiwala ang militar na susunod na babagsak sa kamay ng batas si Turingan, habang hindi naman kabilang sa pinaghahanap ng intelligence community si Malajacan dahil ang warant of arrest na hawak ng AFP ay para lamang kay Turingan.
Samantala, sinabi ni NBI Deputy Director for Regional Services Atty. Reynaldo Esmeralda na pangunahing inaalam nila ngayon ang kaugnayan ni Honasan kay Ingrid Ramos, ang may-ari ng townhouse sa The Enclave, Greenmeadows, Quezon City kung saan nahuli ang dating senador.
Napag-alaman naman na hindi umano umalis ng Metro Manila si Honasan matapos na magtago ito. Apat na lugar lamang sa kamaynilaan ang inikutan ni Honasan base na rin sa naitalang tawag nito sa kanyang cellphone. Natunton ito na kumokontak sa Ortigas Center, Pasig City; Makati City, Marikina City at ang townhouse sa QC.
Inaalam na rin ngayon ng NBI katuwang ang PNP kung sinu-sino ang mga coddlers, financier, mga pulitiko at ibang mga posibleng nasa military na tumulong kay Honasan habang pinaghahanap ng pamahalaan.
Pinuri naman ni Pangulong Arroyo ang mga pulis na nakadakip kay Honasan. Ayon sa Pangulo, dapat lang na makulong ang mga nagbabalak pang manggulo sa gobyerno. Umaasa ito na matatapos na ang tangkang kudeta sa kanyang pamahalaan dahil pagod na ang taong-bayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended