Paggamit ng militar sa anti-terror inalis ng Senado

Tinanggal ng Senado ang paggamit sa mga militar bilang law enforcers sa Anti-Terror Bill para maprotektahan ang karapatang-pantao ng mga suspek.

Ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, nagkaisa ang Senado na amyendahan ito sa ikinasang Anti Terror Bill ni Sen. Juan Ponce Enrile, dahil naniniwala sila na walang sapat na kaalaman ang mga militar na magsagawa ng imbestigasyon at dapat na ipaubaya na lang ito sa ilang ahensya.

Inaprubahan din ng Senado na maging 48 oras na lang sa halip na 15 araw ang period of detention ng mga akusado at ibig sabihin ay kailangang maisalang ng awtoridad ang kaso sa loob ng 48 oras sa korte. (Rudy Andal)

Show comments