Ito ang tiniyak kahapon ni PNP Chief Director Gen. Oscar Calderon kaugnay ng pagkakasakote sa dating senador.
Si Honasan ay may patong sa ulong P5 milyon kaugnay ng diumanoy pagiging utak sa Hulyo 27, 2003 Oakwood mutiny at tangkang kudeta laban sa pamahalaan noong Pebrero 24.
Ayon kay Calderon, sa lalong madaling panahon ay iproproseso na nila ang reward ng nasabing tipster na nakatulong sa mga awtoridad sa pagkakabitag kay Honasan.
Gayunman, tumanggi naman ang opisyal na tukuyin ang pangalan ng instant millionaire para na rin sa seguridad nito.
Sinabi ni Calderon na maliban sa nasabing tipster ay mayroon pang ilang personalidad na bibigyan nila ng benepisyo dahilan sa naiambag ng mga ito sa tagumpay ng operasyon para mabitag si Honasan. (Joy Cantos )