Sa kanilang apela sa Kongreso, sinabi ng Kaakbay na mismong mga empleyado ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang nagbigay sa kanila ng impormasyon na tinatangkang baguhin ang bidding rules para paboran ang ilang paboritong bidder.
Batay sa nakahandang panukala, sinabi ng Kaakbay na ang mga interesadong makakontrol ng 84% equity sa Maynilad ay kailangang magsumite ng credit line na P6 bilyon sa halip na ang pagsusumite ng itinakdang Stand By Letter of Credit (SBLC) para mapatunayang may kapasidad ang mga ito.
Sa pamamagitan ng SBLC, sinabi ng Kaakbay na mapapatunayan ng mga interesadong bidder na may pinansiyal silang kapasidad kumpara sa credit line dahil lilitaw na walang pinanghahawakang cash ang kompanya.
"Kaya nga gusto naming na pumasok na dito ang House of Representatives para imbestigahan ang insidente ng pagbabago sa sistema ng bidding at hubaran ng maskara ang mga opisyal ng MWSS na gumagapang para mabago ang bidding rules," sabi pa ni Dave Diwa ng Kaakbay. (Doris Franche)