^

Bansa

Dayaan sa MWSS bidding pinaiimbestigahan

-
Pinaiimbestigahan ng Katipunan ng Anak ng Bayan (Kaakbay) ang subastahang naganap sa Maynilad Water Services Inc. na tinangkang dayain ng mismong namamahala sa proseso ng bidding.

Sa kanilang apela sa Kongreso, sinabi ng Kaakbay na mismong mga empleyado ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang nagbigay sa kanila ng impormasyon na tinatangkang baguhin ang bidding rules para paboran ang ilang paboritong bidder.

Batay sa nakahandang panukala, sinabi ng Kaakbay na ang mga interesadong makakontrol ng 84% equity sa Maynilad ay kailangang magsumite ng credit line na P6 bilyon sa halip na  ang pagsusumite ng itinakdang Stand By Letter of Credit (SBLC) para mapatunayang may kapasidad ang mga ito.

Sa pamamagitan ng SBLC, sinabi ng Kaakbay na mapapatunayan ng mga interesadong bidder na may pinansiyal silang kapasidad  kumpara sa credit line dahil lilitaw na walang pinanghahawakang cash ang kompanya.

"Kaya nga gusto naming na pumasok na dito ang House of Representatives para imbestigahan ang insidente ng pagbabago sa sistema ng bidding at hubaran ng maskara ang mga opisyal ng MWSS na gumagapang para mabago ang bidding rules," sabi pa ni Dave Diwa ng Kaakbay. (Doris Franche)

ANAK

BATAY

BAYAN

DAVE DIWA

DORIS FRANCHE

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KAAKBAY

MAYNILAD WATER SERVICES INC

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

STAND BY LETTER OF CREDIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with