Base sa report karamihan ng mga pagpatay ay naganap sa Agusan del Norte, partikular sa mga bayan ng Buenavista at Las Nieves, na namatayan ng pitong lider kabilang na sina Datu Lintahudan, chieftain ng Kalihukan sa Nasudnong Minorya sa Lawan-lawan, Datu Gris at Datu Alabat, na kapwa miyembro din ng KNM.
Nabatid na ang pagpatay kay Alabat ang pinakabrutal matapos itong patayin sa harap mismo ng mga ka-tribo nito kayat may 35 pamilya mula sa Lawan-Lawan, Agusan del Norte ang natakot at lumipat ng tirahan kayat nawalan ng hanapbuhay.
Dahil dito ay natakot ang hanay ng militar dahil posible umano itong humantong sa mas malala pang pagdanak ng dugo dahil nagkaisa na ang lahat ng tribo sa Bukidnon at Misamis Oriental upang maghiganti.
Maliban sa mga lumad leaders, anim na sibilyan pa ang napatay sa loob lamang ng isang linggo mula sa ibat ibang lugar sa nasabing rehiyon na may kahalintulad na paraan ng pagpatay.
Kabilang sa mga napatay ang dalawang magsasaka, isang cattle trader, dating pulis at isang kapatid ng lider ng Aksyon Sambayan sa Agusan del Sur. (Doris Franche)