^

Bansa

NPAs abala sa ‘killing spree’ sa Caraga

-
Abala pa rin umano ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga ‘killing spree’ nito sa Caraga region kung saan pitong lumad leaders na ang kanilang napapatay mula noong Agosto habang anim na sibilyan naman sa loob lamang ng isang linggo.

Base sa report karamihan ng mga pagpatay ay naganap sa Agusan del Norte, partikular sa mga bayan ng Buenavista at Las Nieves, na namatayan ng pitong lider kabilang na sina Datu Lintahudan, chieftain ng Kalihukan sa Nasudnong Minorya sa Lawan-lawan, Datu Gris at Datu Alabat, na kapwa miyembro din ng KNM.

Nabatid na ang pagpatay kay Alabat ang pinakabrutal matapos  itong patayin sa harap mismo ng mga ka-tribo nito kaya’t may 35 pamilya mula sa Lawan-Lawan, Agusan del Norte ang natakot at lumipat ng tirahan kaya’t nawalan ng hanapbuhay.

Dahil dito ay natakot ang hanay ng militar dahil posible umano itong humantong sa mas malala pang pagdanak ng dugo dahil nagkaisa na ang lahat ng tribo sa Bukidnon at Misamis Oriental upang maghiganti.

Maliban sa mga lumad leaders, anim na sibilyan pa ang napatay sa loob lamang ng isang linggo mula sa iba’t ibang lugar sa nasabing rehiyon na may kahalintulad na paraan ng pagpatay.

Kabilang sa mga napatay ang dalawang magsasaka, isang cattle trader, dating pulis at isang kapatid ng lider ng Aksyon Sambayan sa Agusan del Sur. (Doris Franche)

vuukle comment

AGUSAN

AKSYON SAMBAYAN

DATU ALABAT

DATU GRIS

DATU LINTAHUDAN

DORIS FRANCHE

LAS NIEVES

MISAMIS ORIENTAL

NASUDNONG MINORYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with