Psychiatric test di mandatory
November 13, 2006 | 12:00am
Tatalakayin ng Judicial and Bar Council (JBC) ngayong Lunes ang isyu kung dapat pang sumailalim sa psychological at psychiatric tests si Senador Miriam Defensor-Santiago, bilang isang nominado sa pagiging Chief Justice sa babakentihing puwesto ni Supreme Court Chief Justice Artemio Panganiban.
Sa isang panayam, sinabi ni Panganiban na hindi naman mandatory ang nasabing pagsusuri para sa mga aspirante na makapasok sa hudikatura. Ito umano ay isinasaad ng rule 6, section 2 ng Rules for the JBC.
Gayunman, tiniyak pa rin ni Panganiban na pag-uusapan pa nila ito sa en banc session ng JBC ngayong alas-11 ng umaga.
Kabilang din sa pag-uusapan ng JBC ang kahilingan ng Alternative Law Groups (ALG) na isalang sa isang public interview ng panel ng JBC si Santiago.
Ganito rin ang naging posisyon ng dalawa pang miyembro ng JBC na sina Sens. Francis "Kiko" Pangilinan at ret. Justice Raoul Victorino.
Inaasahang kukupirmahin ng JBC ang kanilang magiging desisyon sa isyu matapos ang sesyon. (Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended