Nakakuha ng 37 percent mula sa mga respondents si Lacson bilang susunod na alkalde ng Maynila kung saan ay pumangalawa naman si Sen. Alfredo Lim na nakakuha ng 25%.
Bumagsak lamang sa pangatlong puwesto ang tinaguriang "Hulog ng Langit" na si dating Manila Cong. Mark "MJ" Jimenez habang sa pang-apat na puwesto si Manila Vice Mayor Danilo Lacuna na mayroong 8%.
Nasa panglimang puwesto lamang sa survey sina dating First Lady Imelda Marcos, Manila Rep. Joey Hizon at ang anak ni Atienza na si Ali Atienza.
Magugunita na tinanggal sa listahan ng mga senatoriable ni dating Pangulong Estrada si Lacson dahil mas nais umano nitong tumakbong mayor ng Maynila.
Nakatakdang ihayag ngayong araw ni Lacson ang kanyang magiging desisyon kung tatakbong alkalde ng Maynila o kakandidato muling senador sa darating na May 2007 elections.
Panauhin si Lacson ngayon sa Kapihan sa Manila Hotel kung saan ay inaasahang ihahayag ng mambabatas ang kanyang political plan para sa nalalapit na halalan. (Rudy Andal)