Naniniwala si Baterina na hindi katuwiran ang sinasabi ng ilan na kapos na sa oras ang Kongreso upang maipagpatuloy ang Chacha.
Lalo lamang aniyang gumanda ang kinabukasan ng isinusulong na pag-amyenda sa Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly makaraan ang mabungang pagpupulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) noong Martes sa Malakanyang.
Ayon pa kina House Deputy Majority Leader Antonio Cerilles at Baterina, kahit hindi lumahok sa Con-Ass ang mga senador, kakayanin pa rin ng mga kongresista na aprubahan ang panukalang pagbabago sa Saligang Batas sa Disyembre 20. Sinabi ni Cerilles na lumaki ang pag-asang sang-ayunan ng mga mambabatas ang Con-Ass matapos na pumayag sina Sens. Edgardo Angara, Juan Ponce Enrile, Ralph Recto at Miriam Defensor Santiago na lumahok sa talakayan kaugnay sa usapin. (Malou Escudero)