Di ako takot kay Ang Ping
November 12, 2006 | 12:00am
Tiniyak kahapon ni Sen. Panfilo Lacson na hindi siya natatakot sa ikakanta ni Charlie "Atong" Ang dahil alam niyang mananaig ang katotohanan.
Ito ang naging reaksiyon ni Sen. Lacson sa sinabi nina Justice Sec. Raul Gonzalez at Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson na nakahanda na umanong magsalita si Ang hinggil sa nalalaman niya sa Kuratong Baleleng at Edgar Bentain case.
"Hindi na ako natatakot. Dati na naman nilang ginagawa sa akin yan," wika ng senador.
Ilang taon nang binabagabag ng kaso ng paglikida umano sa mga miyembro ng Kuratong Baleleng kidnapping syndicate si Lacson subalit nalulusutan lamang ito ng senador dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.
Ayon pa kay Lacson, kahit isang trak ng ebidensiya ang ilabas ni Ang ay hindi pa rin ito uubra sa korte dahil produkto lamang ito ng imahinasyon nina Gonzalez at Singson.
"They can manufacture truckloads of evidence but they will still be manufactured evidence," dagdag pa nito.
Naniniwala naman si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na mahihirapan ang gobyerno na mapatunayan ang anumang ikakanta ni Ang kung wala naman ibang testigong magpapatunay sa sasabihin nito.
"Mabigat ang banta ni Ang pero tulad ng sinabi ni Gonzalez, kailangan ng corroboration," ani Pimentel.
Dahil na rin sa ibinunyag ni Ang, tiniyak naman ni Gonzalez na magsasagawa ng imbestigasyon ukol sa Kuratong Baleleng rubout, pagkawala ni Bentain at maging ang Dacer-Corbito murder case.
Sa tatlong kaso, ang Kuratong lamang umano ang may direktang nalalaman si Ang, samantala sa Dacer-Crobito at Bentain ay nagbigay na rin ng mga pangalan si Ang bagamat hindi maituturing na first hand ang mga impormasyon nito.
Una nang ikinanta ng testigong si Ador Mawanay ang pagkakasangkot ni Lacson at mga dating opisyal ng PNP-Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) sa mga kasong nabanggit. (Rudy Andal at Grace Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am