Ang pahayag ay ginawa ni US Ambassador to the Philippines Kristie Kenny nang bumisita siya kahapon sa Malacañang kaugnay ng pagwawagi ng mga Democrats sa US House of Representatives kontra sa Republicans ni US Pres. George W. Bush.
Ang Democrats din ang nakakuha ng apat na bagong puwesto sa Senado at sinasabing baka makontrol din nila ang US Senate.
Sinabi ni Kenny na napatunayan na sa kasaysayan ng Amerika kung paano magtrabaho ang mga Democrats at Republicans sa Kongreso at kung anumang ang resulta ng halalan ay bahagi lang ng proseso ng demokrasya.
Snabi pa ni Kenny na kapag tapos na ang halalan sa US, tapos na rin ang pamumulitika at ang inaatupag na nila ay pagtatrabaho para sa pambansang pagkakaisa.
"I can assure you thats going to continue. Our relationships is so strong that whether members of Congress change or not, theyre all gonna be fans of US-RP friendship," ani Kenny. (Lilia Tolentino)