Iringan nina Ping at Erap malalim
November 9, 2006 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ni dating Immigration Commissioner Rufus Rodriguez, isa sa mga abogado ni dating Pangulong Joseph Estrada na wala sa listahan ng "senatoriables" ng dating lider ang pangalan ni Sen. Panfilo Lacson na lalong nagpalakas sa hinala na malalim ang iringang namamagitan sa dalawa.
Ayon kay Rodriguez, ang tanging kasama lamang sa sinasabing "long list" ay sina Ilocos Norte Rep. Imee Marcos, Tarlac Rep. Benigno "Noynoy" Aquino III at Lt. Senior Grade Antonio Trillanes.
"After all, he (Lacson) has said that he doesnt need the blessings of the (former) President," ani Rodriguez.
Nagbuo na rin aniya ng sariling partido si Lacson na Unlad Pilipino at napabalitang balak nitong kumandidato bilang alkalde ng Maynila.
Matatandaan na nahati ang boto para sa oposisyon noong nakaraang 2004 presidential elections dahil hindi nagbigayan sina Lacson at namayapang actor na si Fernando Poe Jr. na inindorso ni Estrada.
"For the meantime, those included in the long list are Noynoy, Imee and Trillanes,"sabi ni Rodriguez.
Ayon pa kay Rodriguez, dapat gumawa ng paraan si Trillanes upang makapag-rehistro para sa pagtakbo nito sa Senado dahil kasalukuyang itong nakulong sa kampo ng militar.
"I just wish that he would be able to register," ani Rodriguez kay Trillanes na nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA). Gumawa rin ito ng thesis tungkol sa korupsiyon sa Philippine Navy.
Naniniwala din umano si Estrada sa paninindigan at prinsipyo ni Trillanes laban sa katiwalian. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest