Samantala, pinabulaanan naman ni Defense Undersec. Rodel Cruz ang napaulat na may plano si Cruz na pumasok sa senatorial line-up ng kampo ni dating Pangulong Estrada.
Ayon kay Undersecretary Cruz, maaari umanong may mga nang-iintriga lamang sa kalihim upang palitawin na may panloob na hidwaang nagaganap sa hanay ng Gabinete.
Mananatili anyang isang "trusted ally" at adviser ng Pangulo si Cruz at walang bahid ng hinanakit laban sa pamahalaang Arroyo ang pagbibitiw nito sa puwesto.
Kaugnay nito, itinutulak naman ng ilang military at police officials si dating Philippine National Police (PNP) chief at kasalukuyang National Irrigation Administration (NIA) Secretary Arturo Lomibao bilang kapalit ng nagbitiw na si Cruz.
Ayon sa source, kuwalipikado si Lomibao sa puwesto dahil sa magandang track record nito at mahusay na pamumuno sa panahon ng kanyang termino sa PNP. (Lilia Tolentino/Joy Cantos)