^

Bansa

Anti-Billboard Act pasado na

-
Inaprubahan kagabi ng Senado ang Anti-Billboard Blight Act ni Sen. Miriam Defensor-Santiago para sa pagbabawal na magtayo ng mga billboards sa mga lansangan na magiging banta sa buhay ng mga motorista at mamamayan.

Sa botong 13-0, ipinasa sa ikalawa at pangatlo pagbasa ang Committee Report No. 110 matapos sertipikahan ni Pangulong Arroyo na urgent ang kanyang panukala. Si Santiago ang chairman ng public works committee-subcommittee on billboard.

Mahigpit na ipinagbabawal na ngayon ang paglalagay ng billboard sa mga highway kung saan ay makakasira o mahaharangan ang view o pedestrian traffic, paglalagay ng billboard sa mga residential areas, pagtatayo ng billboard sa mga lupang pag-aari ng gobyerno sa mga highways at kalye, pagkakabit ng billboard sa mga poste at sa ibabaw ng mga gusali.

Bukod sa multa, makukulong ang mga may-ari ng billboards pati mga opisyal ng lokal na pamahalaan na pumayag na magtayo ng billboards. (Rudy Andal)

ANTI-BILLBOARD BLIGHT ACT

BILLBOARD

BUKOD

COMMITTEE REPORT NO

INAPRUBAHAN

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SI SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with