^

Bansa

Plantsahin sa Dis. 23 - GMA: Con-Ass madaliin!

- Malou Escudero, Lilia Tolentino -
Binigyan ng Malacañang nang hanggang Disyembre 23 ang House of Representatives para magpasa ng resolusyon na bubuo ng Constituent Assembly (Con-Ass) bilang nalalabing paraan para maisulong ang Charter change.

Sa ginanap na Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC), sinabi ni Presidential Adviser on Political Affairs Secretary Gabriel Claudio na dapat nang kumilos ang Kamara matapos mabigo ang Pangulo na makuha ang suporta ng Senado sa itinutulak na ConAss.

Ani Claudio, bagaman naghain si Sen. Juan Ponce Enrile ng sarili nitong ConAss resolution, iba ito sa ConAss ng House.

Sinabi ni Claudio na kung hindi ito maisasakatuparan ng Kamara magsisimula na ang namumunong partido na pumili ng mga kandidato nito para sa May 2007 elections.

Ayon naman kay Anakpawis Rep. Crispin Beltran, lalo lamang inilalayo ng Kongreso ang sarili mula sa mamamayan sa patuloy na pagsusulong nito ng Charter change.

Sinabi ni Beltran na kahit anong gawin at gaano man kalaki ang determinasyon ng mayorya sa pagsusulong ng Chacha sa pamamagitan ng Constituent Assembly, mabibigo lamang ito.

Hindi aniya solusyon sa mga problema at krisis sa bansa ang Charter change kundi lalo pa nitong palalalain ang sitwasyon.

Tinanong pa nito kung masisiguro ng Chacha ang pagkakaroon ng trabaho sa maraming Pilipino, mataas na sahod at lupang sakahan para sa mga magsasaka.

Maliwanag aniya na nais lamang ng mga nakaupo sa Malacañang na manatili sa puwesto kaya nais amiyendahan ang Konstitusyon.

vuukle comment

ANAKPAWIS REP

ANI CLAUDIO

CHACHA

CONSTITUENT ASSEMBLY

CRISPIN BELTRAN

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JUAN PONCE ENRILE

KAMARA

LEGISLATIVE EXECUTIVE DEVELOPMENT ADVISORY COUNCIL

MALACA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with