Erap binisita ang inang maysakit
November 7, 2006 | 12:00am
Binisita kahapon ni dating Pangulong Erap Estrada ang kanyang 102-taong gulang na inang maysakit na si Donya Mary sa North Greenhills, San Juan.
Dakong alas-9:15 ng umaga kahapon ng dumating si Erap kasama ang kanyang maybahay na si Sen. Loi Ejercito lulan ng isang helicopter mula sa Tanay, Rizal sa kanilang ancestral house sa Kennedy St., North Greenhills.
Nagdala ng tanim na gulay si Erap para sa kanyang ina bukod sa pasalubong nitong lechon na paboritong kainin ng ina.
Hindi naman nagpaunlak ng interview si Erap gaya ng naging bilin dito habang naroroon din sa kanilang bahay ang dating miyembro ng Gabinete ni Erap kabilang si Sen. Mar Roxas.
Magugunita na pinayagan ng Sandiganbayan si Erap na madalaw ang kanyang inang maysakit. Huling nadalaw ni Erap ang ina noong magdiwang ito ng 102 kaarawan noong Mayo. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am