^

Bansa

GMA may 90 days para pumili ng Chief Justice

- Ni Grace Dela Cruz -
May 90 araw pa si Pangulong Arroyo para sa pagpili ng ipapalit na Supreme Court (SC) chief justice at hindi pa rin naipapadala sa Malacañang ang nominasyon sa 6 na kandidato.

Ito ang tiniyak kahapon ni Justice Secretary Raul Gonzalez sa kanyang programang "Hustisya Para sa Lahat" kaugnay sa isyung mailuklok ang "outsider" na si Sen. Miriam Defensor-Santiago kapalit ni SC Chief Justice Artemio Panganiban.

Nilinaw ni Gonzalez na pinag-aaralan pa ng Judicial and Bar Council (JBC) ang inihaing rekomendasyon ng Young Lawyers Association of the Philippines (YLAP) na nagrekomenda kay Santiago.

Ani pa ng kalihim, ang limang senior associate justices lamang ang awtomatikong maisasama sa endorsement letter kay Pangulong Arroyo habang ang senadora ay kakailanganin pang sumailalim sa panel inte4view.

Sakaling matapos na ang interview, idadaan pa sa deliberasyon ng eight-man panel ng JBC at pagbobotohan kung sinu-sino ang ino-nominate kay PGMA.

Matatandaang napaulat na pumasok pa sa pang-anim na kandidato para sa pagiging Punong Mahistrado si Santiago matapos makahabol sa itinakdang Nov. 30 deadline ng JBC ang aplikasyon at rekomendasyon.

CHIEF JUSTICE ARTEMIO PANGANIBAN

GONZALEZ

HUSTISYA PARA

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PANGULONG ARROYO

PUNONG MAHISTRADO

SUPREME COURT

YOUNG LAWYERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with