Pinoy patay sa lumubog na barko
November 4, 2006 | 12:00am
Patay ang isang tripulanteng Pinoy habang siyam pang kapwa Pinoy ang nailigtas makaraang lumubog ang sinasakyang barko sa laot ng Baltic Sea.
Sa ulat na ipinarating kahapon ni RP Ambassador to Sweden Victoria Bataclan sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasawi si Danilo Paras, 52, dahil sa hypothermia habang ginagamot naman ang survivors na sina Gilbert Salido; Benedicto Agngarayngay; Manuel Barcelona; Gerry Dupo; Rolando Esguerra; Leo Jose Talipe; Wilfredo Ramos; Jose Noel Saquilayan; at Ephraim Torre.
Galing ng Finland ang M/V Finnbirch patungong Denmark at sakay nito ang 10 Pinoy at 4 pang Swedish crew. Hindi umano nakaya ng barko ang masungit na panahon dahilan para lumubog ito. Nagtalunan naman sa naglalakihang alon at nagyeyelong tubig ang mga tripulante. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended