Itoy sa ilalim ng programang Bayani ka na, Nagkapera ka pa " na ipatutupad ng BSP matapos maalarma sa patuloy na pagkalat ng mga pekeng pera kung saan ultimong mga barya ay pinepeke na.
Sa press conference sa Camp Crame, inamin ni BSP Director Fe de la Cruz na nasa alarming level na ang pagkalat ng mga pekeng pera partikular ang mga baryang 5 at 10 piso at 25 sentimo.
Ayon naman kay Grace Malic, manager ng Cash Department ng BSP, sa kanilang impormasyon sa Metro Manila pa lamang ay talamak na ang mga pekeng barya habang ang narekober nila sa lalawigan ng Iloilo ay 1,000 piraso ng pekeng 10 sentimo.
Nilinaw naman ng BSP na ang halaga ng reward na kanilang ipagkakaloob ay depende sa bigat ng detalye na maibibigay ng sinumang tipster.
Sa kasalukuyan, pinakamataas na naibigay na pabuya ng BSP ay P325,000.
Sa rekord ng BSP, tatlo katao na ang nasakote kabilang ang isang Fil-Chinese at mag-amang Taiwanese sa kanilang kampanya laban sa mga pekeng barya.
Naniniwala ang mga opisyal na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng taumbayan, pulisya at iba pang mga law enforcement agencies ay maaagapan ang pagkalat ng mga pekeng pera. (Joy Cantos)