^

Bansa

Reward vs fake money syndicates alok ng BSP

-
Nag-alok kahapon ng pabuya ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng mga sindikatong nasa likod ng pagpapakalat ng mga pekeng pera sa bansa.

Ito’y sa ilalim ng programang ‘ Bayani ka na, Nagkapera ka pa " na ipatutupad ng BSP matapos maalarma sa patuloy na pagkalat ng mga pekeng pera kung saan ultimong mga barya ay pinepeke na.

Sa press conference sa Camp Crame, inamin ni BSP Director Fe de la Cruz na nasa ‘alarming level’ na ang pagkalat ng mga pekeng pera partikular ang mga baryang 5 at 10 piso at 25 sentimo.

Ayon naman kay Grace Malic, manager ng Cash Department ng BSP, sa kanilang impormasyon sa Metro Manila pa lamang ay talamak na ang mga pekeng barya habang ang narekober nila sa lalawigan ng Iloilo ay 1,000 piraso ng pekeng 10 sentimo.

Nilinaw naman ng BSP na ang halaga ng reward na kanilang ipagkakaloob ay depende sa bigat ng detalye na maibibigay ng sinumang tipster.

Sa kasalukuyan, pinakamataas na naibigay na pabuya ng BSP ay P325,000.

Sa rekord ng BSP, tatlo katao na ang nasakote kabilang ang isang Fil-Chinese at mag-amang Taiwanese sa kanilang kampanya laban sa mga pekeng barya.

Naniniwala ang mga opisyal na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng taumbayan, pulisya at iba pang mga law enforcement agencies ay maaagapan ang pagkalat ng mga pekeng pera. (Joy Cantos)

BANGKO SENTRAL

BSP

CAMP CRAME

CASH DEPARTMENT

DIRECTOR FE

GRACE MALIC

JOY CANTOS

METRO MANILA

PEKENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with