^

Bansa

Refund ng Meralco simula na sa Enero 2007

-
Simula sa Enero 2007 ay makakatanggap na ng refund ang mga consumer ng Manila Electric Company (Meralco) bilang pagsunod sa utos ng Supreme Court (SC) na ibalik ang inaprubahang dagdag singil ng Energy Regulatory Commission (ERC) mula Hunyo-Agosto, 2004.

"Meralco’s refund will be reflected in the bill of the customers starting January 2007. The refund will be spread over three (3) months considering that the refundable GRAM amount was likewise incurred for three (3) months," pahayag ni ERC Chairman at CEO Rodolfo B. Albano, Jr.

Idineklarang iligal ng SC ang ipinatupad na singil ng ERC na halagang PhP 0.1327/kwh adjustment sa Generation Rate dahil hindi anya ito dumaan sa public bidding.

Ang mga Meralco consumer ay makakakuha ng refund base sa actual na kWh na siyang ginamit nito sa nabanggit na period sa pamamagitan ng pagbawas nito sa mga gagamitin pa lamang nilang power supply.

Samantalang ang mga "Terminated customers" naman ay maaring makuha ang kanilang refund sa pamamagitan ng pagtungo sa counter ng Meralco at pagkuha ng kanilang tseke o kaya ay cash.

Ang mga residente na kumunsumo ng 401 kWh at pataas ay makakakuha ng maximum average refundable na nagkakahalaga ng PhP 110.00 kada buwan.

Habang ang mga lifeline consumers naman o ang mga customer na kumukunsumo ng 400 kWh ay makakakuha ng average refundable amount na nagkakahalaga lamang ng PhP 3.00 hanggang PhP 50.00 kada buwan.

Ang nabanggit na mga refund ay VAT exempted at makikita sa mga additional item ng customers electric bill. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ALBANO

EDWIN BALASA

ENERGY REGULATORY COMMISSION

ENERO

GENERATION RATE

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

RODOLFO B

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with