Kinumpirma ng Judicial and Bar Council (JBC) na naisumite ng Young Lawyers Association of the Philippines (YLAP) ang nominasyon ni Santiago noong Okt. 27, tatlong araw bago ang deadline.
Kaugnay nito sinabi ni Justice Secretary Raul Gonzalez, isa sa 8-member ng JBC na posibleng hindi masunod ang kinagisnang tradisyon sa sangay ng hudikatura kung si Santiago ang mapipiling punong mahistrado.
Sa kasaysayan ng hudikatura, ang pinaka-senior na justice ang iniluluklok nilang kapalit ng magreretirong chief justice.
Naniniwala ang kalihim na si Santiago ay pasado sa mga rekisito na itinatakda ng batas at maging ng mga qualifications ng JBC.
Iniisa-isa pa ng kalihim ang mga katangiang taglay ng senadora tulad ng pagiging magaling na lawyer nito bukod pa sa mga hinawakang position sa nakalipas na 15 taon ng pagsisilbi sa gobyerno.
Maliban kay Santiago, kabilang sa mga nag-aagawan sa puwestong iiwanan ni Panganiban sa Dis. 7, 2006 sina Senior Associate Justice Reynato Puno, Associate Justices Leonardo Quisumbing, Consuelo Ynares-Santiago, Angelina Sandoval-Gutierrez at Antonio Carpio. (Grace dela Cruz)