Nanigaw kay Luli binigyan ng 72-oras para magpaliwanag
November 3, 2006 | 12:00am
Matapos sibakin, binigyan naman ng 72-oras ng Bureau of Immigration (BI) ang Immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat na maharap sa kasong administratibo.
Ayon kay BI Commissioner Alipio Fernandez Jr., inatasan na nito si Edgardo Padlan na magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat na maparusahan sa ginawang pambabastos kay Presidential daughter Evangeline Lourdes "Luli" Arroyo sa departure area ng NAIA nitong Martes at hindi pagiging magalang sa mga pasahero.
Binigyang-diin ni Fernandez na dapat umanong maging magalang ang sinumang kawani at opisyal ng NAIA hindi lamang sa mga itinuturing na VIPs kundi sa lahat ng pasaherong umaalis at bumabalik ng bansa.
Pinaalalahanan din ni Fernandez ang ipinalabas nitong memo na tanging ang mga miyembro ng Senado, Congressmen, diplomatic corps, Cabinet members, members of judiciary ang dapat bigyan ng VIP processing of passengers.
Sa ulat, si Luli, kasama ang hipag nitong si Kakai Manotok-Arroyo at pamangkin ay patungong Hong Kong nitong nakaraang Martes ng hapon para sumunod sa mga magulang na sina Presidente Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo.
Matiyagang nakapila si Luli at mga kaanak sa BI special lane for diplomats/VIPs nang makita nito na sumingit sa pila ang isang nagmamadaling dayuhan na inasikaso naman ni Padlan.
Nang sitahin ni Luli si Padlan, sa halip na magpakita ng "Service with A Smile", pagalit pa umanong tumugon ang huli ng "Hindi ka ba marunong maghintay?"
"My gosh! Ako pa ang pinagalitan. Bakit ganun? Kami pang mga Pilipino ang pinapagalitan at di yung foreigner," ang nasambit umano ni Luli.
Hindi umano nakilala ni Padlan si Luli dahil hindi ito mahilig sa bodyguard at hindi nagpapakilalang anak ng Presidente.
Nakagawian na ng bunsong anak ng Presidente na pumila kahit sa pagtungo nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. (Butch Quejada/Grace dela Cruz/Malou Escudero/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 28, 2024 - 12:00am