Sa pamamagitan ng FG Foundation, nagkaloob si First Gentleman ng isang roundtrip ticket for two sa alinmang bansa sa Asya, isang personal digital assistance (PDA), cash incentives, medical bags at equipment at isang set ng mga libro ni Sen. Juan Flavier.
Aypn kay Dr. Kenneth Ronquillo, ang program manager ng DTTB, ang roundtrip ticket sa Hongkong ay pinagkaloob kay Dr. Angeline Bogalin-Vaquilar na siyang ginawaran ng grand distinction award sa Batch 17 ng DTTB. Ang Batch 17 at nakatapos ng dalawang taong service sa mga baryo. Si Vaquilar ay na-assign sa Nagtipunan, Quezon. Bukod sa tiket, binigyan din ni FG si Vaquilar ng travel allowance.
Binigyan naman ng incentive at PDA si Dr. Joselito Cablao, naka-assign sa Concepcion, Misamis Occidental at cash incentives kina Drs. Adelaida Gaytos-Rosaldo, Anne Marie Morales at Catherine Alibudbud-Haymes. (Lilia Tolentino)