Presidential Daughter Luli sinigawan sa NAIA
November 2, 2006 | 12:00am
Isang Immigration officer na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang sinibak matapos makabangga ang anak ni Pangulong Arroyo na si Presidential Daughter Luli Arroyo.
Ayon sa TV Patrol World report, sinita umano ni Luli si Edgardo Padlan, ang officer-of-the-day nung araw na yun, matapos nitong pasingitin sa pila ang isang foreigner.
Subalit si Luli pa umano ang sinigawan at pinagalitan ni Padlan.
Hindi naman pinalampas ni Immigration Commissioner Alipio Fernandez ang insidente at matapos magsagawa ng pag-iimbestiga ay inalis sa puwesto si Padlan.
Ayon kay Fernandez hindi nila ginawa ito dahil Presidential Daughter ang involve.
Agad namang humingi ng tawad si Padlan at pamilya nito sa Pangulo at kay Luli.
Ayon sa misis ni Padlan, maaaring nabigla lamang umano ang kanyang asawa dahil wala itong nakabangga sa mahigit 30 taon niyang pagseserbisyo sa NAIA.
Iginiit naman ng Palasyo na wala silang kinalaman sa pagkakasibak ni Padlan at "internal" anya ang desisyong ito at hindi puwedeng magdikta kung anong parusa ang dapat igawad sa naturang opisyal.
Nabatid na ilang Immigraiton officers ang inirereklamo na masusungit at arogante kung makitungo sa mga pasahero. (Rowena Del Prado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended