Payo kay Sec. Cruz: Gabinete ni Gloria, iwan mo na Nene
November 1, 2006 | 12:00am
Pinayuhan ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. si Defense Secretary Avelino Cruz na magbitiw na lang sa puwesto at iwan na ang Gabinete ni Pangulong Arroyo dahil sa lantaran nitong pagkontra sa isinusulong na Charter change ni Pangulong Arroyo.
"The position of Secretary Cruz, contradicts the stand of his superior, the President. Although a bit late, it is still admirable. It also means that all is not well in the GMA administration. Cruz move may be to resign from DND. His continued stay as chief of the DND is no longer tenable under the circumstances," pahayag ni Pimentel.
Ayon kay Sen. Pimentel, ang sigalot sa pagitan ni Cruz at ng tatlong Cabinet secretaries ay mahirap ng ayusin, dahil sa ngayon pa lang batay na rin sa pag-amin ni Cruz, ay pinagbibitiw na siya ng tatlo niyang kasamahan.
Bukod dito, pinapasibak na rin si Cruz ng mga gobernador at alkalde na kaalyado ng Malacañang at inakusahan pa ito na nanabotahe sa Palasyo.
Una nang sinabi ni Cruz na may tatlong miyembro ng gabinete ang kumikilos para alisin siya sa DND dahi sa anti-Chacha position nito.
Inamin kasi ni Cruz na kontra siya sa Peoples Initiative (PI) dahil hindi ito ang tamang paraan sa pagbabago ng saligang-batas.
Pinanindigan naman ng Palasyo na walang hidwaan sa Gabinete kahit iba-iba ang pananaw sa mga isyu.
Si Cruz ay co-founder ng Carpio, Villaraza law firm kung saan ilang kasapi nito ay mga mahistrado ng SC na bumoto laban sa PI gaya ni Associate Justice Antonio Carpio. (Rudy Andal/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended