Unang PNP chief patay na

Sumakabilang-buhay na ang kauna-unahang pinuno ng Philippine National Police (PNP) dahil sa sakit na aneurism kahapon ng madaling araw sa Medical City.

Bandang alas-2 ng madaling araw kahapon ng bawian ng buhay si Retired Gen. Cesar Nazareno sa edad nitong 65.

Nakatakdang iburol si Gen. Nazareno sa PNP Multi-Purpose Hall sa loob ng Camp Crame, Quezon City.

Si Nazareno, PMA Class ’61, ang kauna-unahang PNP chief matapos buwagin ang Philippine Constabulary-Integrated National Police(PC-INP).

Kaagad namang nagpaabot ng pakikiramay ang buong puwersa ng PNP sa pangunguna ni PNP chief Oscar Calderon sa mga naiwan ni Nazareno. (Joy Cantos)

Show comments