Unang PNP chief patay na
October 31, 2006 | 12:00am
Sumakabilang-buhay na ang kauna-unahang pinuno ng Philippine National Police (PNP) dahil sa sakit na aneurism kahapon ng madaling araw sa Medical City.
Bandang alas-2 ng madaling araw kahapon ng bawian ng buhay si Retired Gen. Cesar Nazareno sa edad nitong 65.
Nakatakdang iburol si Gen. Nazareno sa PNP Multi-Purpose Hall sa loob ng Camp Crame, Quezon City.
Si Nazareno, PMA Class 61, ang kauna-unahang PNP chief matapos buwagin ang Philippine Constabulary-Integrated National Police(PC-INP).
Kaagad namang nagpaabot ng pakikiramay ang buong puwersa ng PNP sa pangunguna ni PNP chief Oscar Calderon sa mga naiwan ni Nazareno. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended