Si Mrs. Arroyo ang ikalawang Pinoy na lilitisin ng PPT matapos ang kaso ni dating Pangulong Ferdinand Marcos dahil sa umanoy crimes against humanity noong 1981.
Bagamat hindi binding ang parusa ng PPT, ang hatol na ipinapataw nito ay pinag-uusapan ng mga international organizations kabilang na ng United Nations.
Kabilang sa mga naghain ng kaso kay Arroyo ay ang Bagong Alyansang Makabayan at ang mga human rights groups na kinabibilangan ng Hustisya, Desaparecidos at SELDA, kabilang din ang Public Interest Law Center (PILC), Peace for Life, Ecumenical Bishops Forum (EBF), United Church of Christ in the Philippines (UCCP) at Ibon Foundation.
Katulad ng inaasahan, isinama sa reklamo laban sa Presidente ang paglabag sa civil at political rights ng mga mamamayan, extrajudicial killings, abductions, massacres, torture, at iba pa. Ang pormal trial ng PPT ay gagawin sa March 2007.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Teddy Casino, mailap ang hustisya sa Pilipinas kaya napilitan silang ipagsakdal sa PPT ang Pangulo.
Dahil dito, aniya ay napilitan silang maghanap ng hustisya sa ibang lugar kabilang na sa kalsada at sa mga international solidarity movement na rumerespeto at nagsusulong ng hustisya at karapatang pantao. (Malou Escudero)