^

Bansa

GMA kinasuhan sa PPT

-
Inireklamo ng mga Filipino leftist at human rights organization sa People’s Permanent Tribunal (PPT) si Pangulong Gloria Arroyo kung saan gagawin ang paglilitis sa Hague, The Netherlands.

Si Mrs. Arroyo ang ikalawang Pinoy na lilitisin ng PPT matapos ang kaso ni dating Pangulong Ferdinand Marcos dahil sa umano’y ‘crimes against humanity’ noong 1981.

Bagama’t hindi ‘binding’ ang parusa ng PPT, ang hatol na ipinapataw nito ay pinag-uusapan ng mga international organizations kabilang na ng United Nations.

Kabilang sa mga naghain ng kaso kay Arroyo ay ang Bagong Alyansang Makabayan at ang mga  human rights groups na kinabibilangan ng Hustisya, Desaparecidos at SELDA, kabilang din ang Public Interest Law Center (PILC), Peace for Life, Ecumenical Bishops Forum (EBF), United Church of Christ in the Philippines (UCCP) at Ibon Foundation.

Katulad ng inaasahan, isinama sa reklamo laban sa Presidente ang paglabag sa civil at political rights ng mga mamamayan, extrajudicial killings, abductions, massacres, torture, at iba pa. Ang pormal trial ng PPT ay gagawin sa March 2007.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Teddy Casino, mailap ang hustisya sa Pilipinas kaya napilitan silang ipagsakdal sa PPT ang Pangulo.

Dahil dito, aniya ay napilitan silang maghanap ng hustisya sa ibang lugar kabilang na sa kalsada at sa mga international solidarity movement na rumerespeto at nagsusulong ng hustisya at karapatang pantao. (Malou Escudero)

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

BAYAN MUNA REP

ECUMENICAL BISHOPS FORUM

IBON FOUNDATION

MALOU ESCUDERO

MRS. ARROYO

PANGULONG FERDINAND MARCOS

PANGULONG GLORIA ARROYO

PERMANENT TRIBUNAL

PUBLIC INTEREST LAW CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with