^

Bansa

PSALM binatikos ni Joker

-
Binatikos ni Sen. Joker Arroyo ang Power Sector Assets, Liabilities Management (PSALM) sa pagtatago nito sa qualified bidders para sa National Transmission Corporation (Transco) na pag-aari ng gobyerno.

Ayon kay Sen. Arroyo, posibleng may ginagawang hokus-pokus ang PSALM kaya ayaw nitong ibigay sa Joint Congressional Power Commission (Powercom) ang tinukoy nilang mga qualified bidders para sa P100 bilyong halaga ng Transco.

Sinabi ni Arroyo, hindi dapat itago ng PSALM sa publiko at sa Kongreso kung sino-sinong kumpanya ang tinukoy nila upang maging kwalipikadong bidder para sa Transco.

"Transco is owned by the government 100 percent, ergo, it is owned 100% by the public. Bidding must be transparent 100 percent because it is taxpayers’ monies involved," paliwanag pa ng mambabatas.

Aniya, mayroong mga probisyon sa kontrata na confidential provisions pero sa pagitan ito ng pribadong kumpanya at isa pang pribadong kumpanya pero hindi sa kumpanyang may involved na public funds tulad ng Transco.

Tumanggi ang PSALM na kilalanin ang 3 kumpanyang naging kwalipikado para mag-bid sa Transco sa ginanap na pulong ng Powercom.

Ipinaalala pa ni Arroyo ang ginawang pagkakaloob ng kontrata ng PSALM para sa $225 milyong Masinloc power plant sa YNN gayung ang nasabing kumpanya ay mayroon lamang paid-up capital na P800,000 at may maliit na opisinang walang telepono at wala ring lamesa. (Rudy Andal)

ANIYA

AYON

JOINT CONGRESSIONAL POWER COMMISSION

JOKER ARROYO

LIABILITIES MANAGEMENT

NATIONAL TRANSMISSION CORPORATION

POWER SECTOR ASSETS

POWERCOM

RUDY ANDAL

TRANSCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with