Con-con na lang
October 30, 2006 | 12:00am
Matapos na ibasura ng Korte Suprema ang Peoples Initiative, mas mabuting Constitutional Convention na lamang ang isulong ng mga Charter change proponents dahil hindi nito magagawang hatiin ang bansa at Konstitusyon tulad ng PI. Ayon kay Jesuit priest Fr. Romeo Intengan, bagamat malaki ang posibleng magastos sa Con-con mas katanggap-tanggap naman ito upang maamyendahan ang Konstitusiyon.
Aniya, hindi mababalewala o mahahati sa Con-con ang mambabatas mula sa Senado at House of Representatives. Sinang-ayunan naman ito ni Partido Demokratikong Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) na si Nonong Ricafrente sa pagsasabing ang Con-con na lamang ang natitirang paraan para sa tunay na pagbabago. Idinagdag din ni Ricafrente na ang conversion ng Kongreso sa interim parliament ay posibleng madaling paraan upang mapalawig pa ang three-term limit ng mga kasalukuyang mambabatas. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest