Mga bulok na trak sa kalye bawal bumiyahe
October 29, 2006 | 12:00am
Dahil sa panganib na dala ng mga dilapidated o mga buluk-bulok na trak na patuloy na bumibiyahe sa kabila nang ipinapatupad na motor vehicle law, nais ni Western Samar Rep. Catalino Figueroa na magsagawa ng congressional probe upang malaman kung bakit nakakabiyahe pa ang mga ito sa mga lansangan.
Ayon kay Rep. Figueroa, nakakaalarma na patuloy pa ring bumibiyahe ang mga luma at karag-karag na mga trak at dapat alamin kung dumadaan ang mga ito sa requirements na isinasaad sa batas.
Sa pamamagitan ng House Resolution No. 1392, hinikayat ni Figueroa ang House Committee on Transportation na imbestigahan ang pagkalat at patuloy na operasyon ng dilapidated cargo trucks na bumibiyahe o dumadaan sa mga major thoroughfares na paglabag sa motor vehicle laws.
Sa ilalim aniya ng RA 4136 o "Land Transportation and Traffic Code" dapat magkaroon ng thorough inspection sa lahat ng uri ng sasakyan bilang bahagi ng requirement sa registration o renewal.
Nakasaad naman sa New Motor Vehicle Inspection System, na ang mga sasakyang hindi na ligtas gamitin ay hindi na papayagang maiparehistro sa Land Transportation Office (LTO) hanggang hindi naaayos ang mga depekto at nakasunod sa minimum standards and specifications. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended