Panahon na ng pagbabago — PDSP

Matapos na ibasura ng Korte Suprema ang People’s Initiative, panahon na rin umanong kumilos ng pamahalaan at ng iba pang sektor kasabay ng pagbibigay ng respeto sa desisyon at simulan ang pagbabago.

Binigyan diin ni Jesuit priest Fr. Romeo Intengan ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), hindi kailangan ng bansa ang Charter change sa ngayon dahil mas kailangan ng publiko ang pagbabago sa pamamahala, ekonomiya, political at cultural sectors tungo sa kapayapaan.

"Charter change is ethically acceptable only if it will promote this aim of a prosperous, just and caring society. The manner of bringing about Cha-cha should be as unifying and non-divisive as possible," ani Intengan

At dahil hindi magkasundo ang Kamara at Senado sa Constituent Assembly, mas makabubuti anyang ilatag ang Charter change sa pamamagitan ng Constitutional Convention. (Doris Franche)

Show comments