Court Martial vs Army, Marine officers gugulong na
Inirekomenda na kahapon mga prosecutor ng AFP- Judge Advocate Generals Office (AFP-JAGO) kay AFP Chief Gen. Hermogenes Esperon Jr., na litisin sa General Court Martial (GCM) ang 38 mga opisyal ng Army at Marines na dawit sa bigong kudeta noong Pebrero 24. Sinabi ni AFP-PIO Chief Lt. Col. Bartolome Bacarro na nakakita ng "probable cause" ang pre-trial investigation panel sa pamumuno ni Col. Al Perreras para ituloy ang paglilitis sa GCM sa mga inaakusahang opisyal. Tumanggi muna si Bacarro na tukuyin kung sino sa 25 Army Scout Ranger at 13 Marine officers ang inirekomendang litisin sa GCM habang kasalukuyan pang isinasailalim sa masusing ebalwasyon ang rekomendasyon. Kabilang sa mga prominente sa 38 opisyal sina dating Marine Commandant Major Gen. Renato Miranda, Brig. Gen. Danilo Lim at Col. Ariel Querubin. (Joy Cantos )